Sabado, Hulyo 2, 2016

                                        IPAGLABAN ANG ATING SARILING WIKA
   
               Ang tao ay nilikha ng Diyos para magkaisa,sa kabila ng pagkakaiba ng lahi,linggwahe,at kulay ngunit hindi imposible ang pagkakaisa kung may komunikasyon ang bawat isa.Kaya naman may wika upang ang lahat ng tao ay magkakaunawaan.Pero ang tanong ''Mahalaga ba  ang wika ng isang bansa'? Ano ba talaga ng wika? Tinatangkilik mo ba ang iyong sariling wika? Ginagamit mo ba ang sarili mong wika?
         
               Ayon kay Manuel L.Quezon na tinaguriang ''Ama ng Wikang Pambansa''na ang wika ay isang kasangkapang ginagamit ng lahat ng uri o antas ng tao sa lipunan.Nagagamit ito sa ibat-ibang aspekto ng pamumuhay ng tao.Mahalaga ang wika dahil ang wika ay ginagamit natin sa pakikipagtalastasan at sa pamamagitan nito nalalaman natin kung ano ang gusto nating ipahiwatig sa ating kapwa.Ang wika ay nagbubuklod sa bawat tao hindi lamang sa ating bansa kundi sa iabang bansa.Sa pamamagitan ng wika tayong lahat ay nagkakaunawaan at nagkaroon ng madaling komunikasyon sa bawat isa.Hindi lang ito kundi ang wika ay isang kaluluwa ng ating bansa.Ito ang susi sa pagkakabuklod-buklod ng damdamin at diwa ng mamamayan.Mahalga ang wika ng isang bansa katulad ng Wikang Filipino.Ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino kung sino,ano,at meron sila.Ang isang tao na gumagamit ng ''Wikang Filipino'' ibig sabihin isa siyang Pilipino pero bakit ang ibang Pilipino ay ikinakahiya ang kanilang sariling Wika?Ito ba ang kanilang sinasabing mahalaga at mahal raw nila ang kanilang sariling wika ngunit kahit gamitin man lang ito ay di magawa dahil sa mga masasamang ideya,at kuro-kuro na namuo sa isipin ng ibang tao o mga banyaga tungkol sa Pilipino na dahilan na ikahiya nila ang kanilang sariling wika. Nasa atin ang desisyon kung magpapaniwala at magpapaapekto tayo sa mga ganitong bagay dahil tayo lamang mga Pilipino ang nakakaalam kung ano ang katotohanan.Kung mahalaga talaga ang ating Wikang Pambansa gagamitin natin ito kahit kailan at saan man tayo magpunta.Ang wika ay hindi lamang kumakatawan sa isang tao.Ito ay hindi lamang isang paraan para sa pagpapahayag ng mga sariling saloobin.opinyon, mga personal na obserbasyon at halaga ng kanyang mga katangian ay isang sisidlan na siyang nagpapahayag ng mga aspeto ng isang komunidad o bansa.Ang wika ay kumakatawan din sa pangunahing pagpaparating sa iba ng panlipunang pagkakakilanlan.

           Kung kaya't ang wika ay ang sumasalamin sa ating kultura at medium sa komunikasyon . Kaya ang wika ay dapat nating pairalin ,ipalaganap, at pahalagahan upang ang pagkakaisa ay ating makamtan.Sa maikling salita, ang wika ay tumutulong na mapanatili ang mga damdamin ng kultura,sining at pagkabansa ng isang bayan.
           

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento